This blogger was invited by blog catalog to join the fight for human rights. We can write any article about the subject today, May 15.
Hindi ko alam kung kasali sa human rights ang pakikipaglaban sa kagutuman, but I posted this sa 88 dati. For you, Mark, and all my readers out there who care.
Saturday, April 29, 2006
Pulitzer Prize Winner

Mainit ang araw. Tuyot na tuyot ang lupa. Aali-aligid ang buwitre sa batang nakalitaw na ang mga tadyang at gapang nang gapang. Sa isip ng hayup, “Hmmm….ang tagal namang tumumba nito. Kanina pa ako nakaabang dito.”
Sa isip ng batang nanghihina at gumagapang na paika-ika, “ Kaunti na lang…kaunti na lang…malapit na….lugaw…isang tasang lugaw”.
Sa isip ng mga nakakita ng letrato, “Panginoon ko, bakit may ganito sa mundo?”
Sa isip ko, “ Mas mataba pa yata ang buwitre sa kawawang bata”.
Hindi ako nagpapatawa. Walang nakakatawa sa kalunos-lunos na larawang ito. Kaya mas mataba ang ibong kumakain ng mga naaagnas na laman ay sa dahilang mas marami siyang napapapak na namatay sa gutom kaysa lugaw na kinakain ng mga bata sa Africa.
Kahapon, nagkuwento ako tungkol sa bra na libo-libo ang halaga. Kanina , ipinadala ni Ariel sa email ko ang larawang ito. Gaano karaming tasang lugaw kaya ang katumbas ng wonder bra ko? Kapag inabutan ng hinayupak na buwitre ang batang ‘yon, at unti-unting papakin ang kanyang mga mata, lumigaya kaya ako dahil sumeksi ang boobies ko?
Ano ang punto ko rito? Minsan…hindi lang minsan. Madalas…lagi nating nalilimutan na maraming higit na nangangailangan. Maraming mas kawawa kaysa sa atin. Sabi ni Jesus kay Judas sa paborito kong musical, ang Jesus Christ Superstar, “There will be poor always, pathetically struggling. Look at the good things you’ve got”.
Bakit marami pa ring mga reklamador? Hindi masama ang mangarap at maghangad ng masarap. Pero hindi kaya dapat magpasalamat na merong kalahating basong tubig kesa sa magreklamo na bakit kulang at kalahati lang ang laman ng baso? Magpasalamat na may kinakain pa kahit paano, kesa magreklamo na ang pangit naman ng lasa ng ulam na ito?
Sa isang banda, aminin man natin o hindi, kahit gusto nating tumulong, hindi natin nagagawa. Kasi laging nasa isip natin “Paano naman ako? Kailangan ko rin ang pera para sa ganito, sa ganyan , sa blah blah blah. Wala ako nito, wala akong ganoon.
Hindi ko pa nakikita ang Boracay, ang Hong Kong, ang Europe. Baka mabawasan ang kakainin ng mga anak ko. Teka lang, unahin ko muna ang sarili ko”……..Hanggang sa inabutan na ng buwitre ang batang gumagapang patungo sa isang tasang lugaw.
The photo is the Pulitzer prize winning photo taken in 1994 during the Sudan famine. The picture depicts a famine stricken child crawling towards a United Nations food camp located a kilometer away.
The vulture is waiting for the child to die so it can eat it. This picture shocked the whole world. No one knew what happened to the child or to Kevin Carter who left the place as soon as the photograph was taken.
Three months later he committed suicide due to depression.
Baka kaya na-depress kasi hindi niya tinulungan o binuhat man lang ang bata para dalhin sa food camp? I guess we will never know….unless we ourselves had seen the vulture and the child.
posted by Ella at 1:10 AM in Confessions ni Ella | 28 comments
Ang blogger na nakikisali-sali sa ” Bloggers Unite for Human Rights”,

Popularity: 6% [?]